HIV Replication Lecture: In a Becky way!!

At dahil karamihan sa mga biktima ng HIV ay ang mga becklings, I am willing to educate them about HIV in a becky way as laboratory/pre-pathology med student, myself. CHICA! Gusto ko din mag avail ng becky language in teaching science para hindi monotonous ang peg. BONGGA! Try ko din kaya mag-avail nito in teaching mathematics! haha!!

try natin ang tagalog in teaching math:

ang ekis ay katumbas sa negatibong ‘ba’ dagdag o kaltas sa parisukat ugat ng pinarisukatan na ‘ba’ na kinaltasan ng apat na ‘a’ at ‘ca’ sa ibabaw ng dalawa at ‘a’

HAHAHA!! KALOKA! Guess anong formula yan. haha!

Far out na tayo, let’s continue!

Ang HIV replication ay isang hagdan-hagdang palayan. Maraming steps! Kaya peg natin dito is to learn each step.

Step 1: Fusion of HIV Cell to the Host Cell.

Just like the sperm and egg cell na mag unite or you know na, ganito din ang peg ng HIV virus. Fuse siya sa host cell ng ating body na specifically yung T-Lymphocyte natin. May receptors ang HIV na tinatawag na GP120 na peg nyang mag bind sa receptors ng T-lymphocyte na tinatawag na CD4+. At dahil dyan, bind na cla.

Step 2: HIV enters the host cell at maghagsik ng lagim!

Nagmukha na ngang alien tong HIV na to, confident pang maghagsik ng lagim! Totoo yan, as the viral particle and host cell binds, the viral particle enters the host cell at maghahagsik ng lagim.  Ang pinaka mastermind nyang ibubuga ay ang RNA. Dito din siya magre-release ng 3 replication essential enzymes for the HIV to replicate. Ito ay ang mga PROTEASE, INTEGRASE, and REVERSE TRANSCRIPTASE. Hindi lang ang mga yan, release din sila ng other viral proteins.

Step 3: Viral DNA is formed by reverse transcription. TAKE NOTE, DNA!!

Nakakaloka kaya yan! Take note, HIV’s building block is RNA, hindi DNA pero may kapangyarihan siyang mag change into DNA! Tarush! Magic kariton kaya gamit nito?! Choz! Kaya nyang mag change ng building block because of the REVERSE TRANSCRIPTASE enzyme. Siya lang ang may kayang mag change ng RNA to DNA. 

Step 4: Viral DNA is transported across the nucleus and integrates into the host DNA. 

Nakakaloka ang part na ‘to! Pramis! Gumanda na nga ang viral particle dahil transform na siya into DNA, confident pang mag travel across the nucleus! Ganda nya lang!! Peg kasi niya dito is mangengechos sa host DNA. pakialamera talaga! Dito na yung process na mag integrates siya into the T-lymphocyte’s DNA through INTEGRASE. Sumasanib na siya sa ating DNA para maging evil at mag command to make more HIV minions!

Step 5: New viral RNA is used as genomic RNA and to make viral proteins!

At dahil evil na yung DNA ng T-lymphocyte natin, may kapangyarihan itong mag command to synthesize RNA particles! Gamit ito to make more viral proteins. Kakainis!!

Step 6: New viral RNA and proteins move to cell surface and a new, mature, HIV forms.

Kita nyo na?! Lilipad na ang mga demonyong to sa ibabaw ng T-lymphocyte cell para makalabas. The new viral RNA and other viral proteins ay ang core materials for replication so kailangan nila ng covering or envelope. Chica! Trench coat peg din nito, ha! Steal sila ng covering from the cell surface ng T-lymphocyte dahil di nila afford (choz!) at lalabas na from their sinisiraan!

Step 7: The virus matures by PROTEASE releasing individual HIV proteins. 

Yun nga, magtatanda din si lola pero mas nakakaloka dahil maging mas malakas siya. After that, trip to Jerusalem na cya to infect other T-lymphocyte cell. Ito yung dahil kung bakit paunti-unti ang CD4+ count ng HIV positive patient. Echosera talaga tong alien to.

HIV

Scary di ba? Kaya if di nyo mapigilan mga shonty at alindog nyo, gamit kayo ng condom! This is for your own protection.

Ang hirap mag becky language! haha!! To learn more about protective sex and how to get yourself protected from HIV, watch nyo tong video na to. Believe me, avail nyo na to kasi gandang lalaki ang magtuturo sa inyo kung paano. Boyfriend ko. CHOZ!!!! HAHA!

http://www.youtube.com/watch?v=-Xak0Q_IY5E

Follow nyo na din ang LoveYourself on Twitter: @LoveYourself_VA

KNOW YOUR STATUS. GET TESTED! WAG KA NANG PATUMPIK-TUMPIK PA! BOOM KARAKARAKA!!

Always,

   B

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s