DIY: Customize your old iPhone case

Sa mga creative na stardusts dyan na gusto talagang pag tripan ang iPhone case nyo, pwes! avail nyo to! pwede na tong bet for Sinulog! choz!

Materials:

– Mighty Bond or Pandikit (mas bet ko ang Mighty Bond but careful lang)

– Glitters (I have a DIY glitters na bili ko from NBS)

– Kutsara

– Bowl ( kutsara + bowl = kain-kain din pag may time. CHOZ!)

– Old iPhone Case (mine is yung assemble ang peg nya)

Procedure: (choz! parang lab manual lang haha!)

1. Collect the materials needed. mga kagamitan!

Image

2. Nakita nyo ang cellophane? Hindi ako burara! anting-anting yan laban sa mighty bond kasi baka madikit sa flooring nyo. Patay ako ni mudak nyan! So okay, lagyan ng Mighty Bond with your desired design or patterns yung iPhone case then put ka ng glitters like Maggi Magic Sarap. choz! i-cover mo ng todong todo ang mighty bond with glitters para stick na stick talaga ang mga palamuti mo. Kanyakanya lang ang design. ikaw bahala if ano gusto mo i-avail. ganon lang. PUSH!

Image

3. After 10 mins, itaktak mo na ang glitters sa bowl to make alis sa mga excess glitters na nasa case. Pwede pa magamit ang excess glitters kaya wag nyong pagtripan ng todo! Recycling nga peg natin dito, di ba? ganda nyo lang! haha!

Image

4. After nasa tiny bowl na lahat ang excess glitters, i-scoop mo ang mga itech using your spoon. WAG KAININ! ibalik sa container! hahah!

Image

5. After sa mga kaganapang ginaganap mo, choz, let it air dry for couple of mins hanggang matigas at super dikit na ang glitters. After that, apply ka ulit ng mighty bond sa pattern para di matanggal ang glitters. WARNING: CAREFUL KA SA PAG-APPLY NG MIGHTY BOND, MAKE SURE NA HINDI ITO AAPAW OR BAKA MAGKA VITILIGO ANG CASE MO! Pero in case mag puti-puti yung case mo, apply ka lang ng Acetone. Let it air dry na naman  hanggang super dry na siya and super duper dikit. Ganon lang! tapos na ang laban!

Image

As you can see, may mga spectator glitters pa sa case. Wipe mo lang sila para ma vanish. Enjoy mo na ang new case mo, pwede na din yan ipang Ati-atihan! choz!

Your creative blogger (choz!),

         B

Advertisements

Sneek Peak: My Personal Things na carry ko Everyday!

Dahil mga echosera kayo at gustong gusto nyo knows ano ang dala ko araw-araw (choz!), I’m going to share you mga nilalaman ng magic kariton ko! haha!! Mga essentials lang ‘to na gamit ko wherever I go.

1. Calvin Klein Messenger Bag

Carry ko talaga to everywhere I go. HIndi ako messenger pero peg ko nga lang to! haha! Hindi naman ako nag Lo-Louis Vuitton papunta farm. sosyal lang! Ito nga, simple lang pero elegant. Love this bag so much!

Image

2. Perfume!

Kailangan fresh na fresh tayo wherever we go so carry ko din ‘to! I’m using Chanel No. 5. love ko talaga to! botilya pa lang, paandar na!

Image

3. Pamplakado ng mukha! choz!!

Alam naman natin na push talaga ako when it comes to pagandahan. CHAROT! Sabi nga ni mother Divine Lee na ‘paganda-paganda din PAG MAY TIME!’ CHICA! ito nga lang bitbit ko araw-araw. di na kailangan ng make-up kit. ganda mo lang. haha!!Image

4. Wallet!

Subukan mo kayang maglakwacha without money. ang saya diba? choz! Deins talaga ako mabubuhay if no wallet! Fave ko talaga ‘tong Ferragamo wallet na I’ve been using since I was high school. Paandar kasi eh.

Image

5. Selected Cards

At times, tamad talaga ako mag withdraw! haha!! hoy mali inisip mo walang hiya ka! haha!! choz! Dala ko palagi ko yung Cash card ko and some discount cards, you know na mahirap ang buhay natin ngayon. NO credit card! ayoko ng utang! haha!! Kita nyo na din ano tunay pangalan ko bukod sa aking mala-anghel na Nickname! charot!

Image

6. Cellphone!

Ayon sa biology, ‘CELL is the building block of life.’ Choz!! haha! Pero para sa akin, yan ang motto ko for cellphones dahil hindi ako makahinga without them. My fave na bitbit ko is my iPhone 4S. Kasalanan nyo ba na hindi iPhone 5 ang starring?! ganda nyo! haha!!

Image

Yan nga lang yung mga dala ko everyday. Hindi ako kasing ganda ni mama JInkee Pacquiao na Louis Vuitton, Hermes atbp pang paandar na designer bag ang bitbit kahit maleta! haha!!

Xoxo,

  B

Love Garnier!

After 48 years of suffering acne (chos) and sa pagtiis ng paggamit ng different facial wash, di talaga achieve yung pagkawala ng some of my pimples. I tried several facial wash, branded na nga yung iba, pero wala talaga. So I decided to use Garnier Pure Active again which na use ko na before pero I stopped kasi I don’t like the smell. Expired na ata yung nabili ko before kaloka. After 3 days, talagang nawala na slight yung pimples even yung maliliit na slight hyper-pigmented na part. Ang galing talaga ng powers ni Garnier! chos.

Image

Pak! Tapos na ang laban! (kung maka effect kasi ang tubig CHOS!)

Ayon kay Kuya Kim (chos), marami kasing alam eh, Garnier contains a combination of salicylic acid and HerbaRepair extracts derived from from blueberry (wag nyong kainin if nagugutom kayo habang naghihilamos. kaloka kayo). Gamit ko to twice a day kaya pala full-power ang effect ni Garnier. At dahil dyan, fave ko na ‘to! Try nyo din! (free ad na ito pero okay lang dahil love ko ‘to! choz!)