DIY: Customize your old iPhone case

Sa mga creative na stardusts dyan na gusto talagang pag tripan ang iPhone case nyo, pwes! avail nyo to! pwede na tong bet for Sinulog! choz!

Materials:

– Mighty Bond or Pandikit (mas bet ko ang Mighty Bond but careful lang)

– Glitters (I have a DIY glitters na bili ko from NBS)

– Kutsara

– Bowl ( kutsara + bowl = kain-kain din pag may time. CHOZ!)

– Old iPhone Case (mine is yung assemble ang peg nya)

Procedure: (choz! parang lab manual lang haha!)

1. Collect the materials needed. mga kagamitan!

Image

2. Nakita nyo ang cellophane? Hindi ako burara! anting-anting yan laban sa mighty bond kasi baka madikit sa flooring nyo. Patay ako ni mudak nyan! So okay, lagyan ng Mighty Bond with your desired design or patterns yung iPhone case then put ka ng glitters like Maggi Magic Sarap. choz! i-cover mo ng todong todo ang mighty bond with glitters para stick na stick talaga ang mga palamuti mo. Kanyakanya lang ang design. ikaw bahala if ano gusto mo i-avail. ganon lang. PUSH!

Image

3. After 10 mins, itaktak mo na ang glitters sa bowl to make alis sa mga excess glitters na nasa case. Pwede pa magamit ang excess glitters kaya wag nyong pagtripan ng todo! Recycling nga peg natin dito, di ba? ganda nyo lang! haha!

Image

4. After nasa tiny bowl na lahat ang excess glitters, i-scoop mo ang mga itech using your spoon. WAG KAININ! ibalik sa container! hahah!

Image

5. After sa mga kaganapang ginaganap mo, choz, let it air dry for couple of mins hanggang matigas at super dikit na ang glitters. After that, apply ka ulit ng mighty bond sa pattern para di matanggal ang glitters. WARNING: CAREFUL KA SA PAG-APPLY NG MIGHTY BOND, MAKE SURE NA HINDI ITO AAPAW OR BAKA MAGKA VITILIGO ANG CASE MO! Pero in case mag puti-puti yung case mo, apply ka lang ng Acetone. Let it air dry na naman  hanggang super dry na siya and super duper dikit. Ganon lang! tapos na ang laban!

Image

As you can see, may mga spectator glitters pa sa case. Wipe mo lang sila para ma vanish. Enjoy mo na ang new case mo, pwede na din yan ipang Ati-atihan! choz!

Your creative blogger (choz!),

         B

Independence Day Special: Philippine Fashion!

At dahil Independence Day ngayon, focus ako ngayon about Philippine fashion. I’m going to make a dress din later na Philippine flag-inspired. choz! OK, chika na ako.

Imelda Marcos has been my favorite Filipina fashionista (umi-80’s ako! haha!). To tell you, she has the world’s largest shoe collection. Ferragamo, Louboutin, Christian Dior, Pierre Cardin, Givenchy, etc.! Di lang shoes, but also her massive expensive gown collection made her branded as The Butterfly Steel. ako kaya? The Praying Mantis Steel! chica mas bet ko pa ang Stainless Steel! haha! Hanggang blog na lang ako haha!!

kami muna ang mauuna! choz! kung maka trowback sa high school haha!

Image

chiffon royal blue + red! PAANDAR!

Image

oh! elegant kung elegant! PUSH!

Image

Anna Karenina? Halatang-halata na nakuha nyo na ang trust fund! CHOZ!

Image

Black + White! Audrey Hepburn si madam! PUSH!

Image

Anterior-Posterior lang ang peg! Love it!

Image

Blue kung blue si tita! very native! ay gusto ko ng bongga!

Image

hindi paawat si mare Shalani! kunting mangga lang sa dibdib, gora na! choz!

Image

umeeksena din ang naka yellow! di paawat! sino ang legal wife? choz!

Image

para maiba si tita! love the color contrast!!

Image

banderitas nga lang ang saya! PUSH! choz lang

Image

Pak! kung maka pose! Tapos ang laban! blue kung blue

Image

I was expecting for a maleta na LV. choz! haha!

Image

oh! bet na bet! pose pa lang, patay na kami dyan! haha!

Image

gusto ko to ng a lot! masuot nga sa debut! kung maka debut haha!

Image

ay! tapis ang peg! mareng Risa talaga oh! pam becky talaga! PUSH!

Image

PUSH PUSH PUSH PUSH! Gusto ko ang mga beads and sequins!

Image

Have a fashionable independence day mga becklings! Itaas ang bandila ng mga becky este  ng Pilipinas! choz!

xoxo,

 B

Overall Summer Blog: Ang Pagsasara ng Yugto. Choz!

Ola! Medyo busy na ang buhay ko ngayon dahil balik-aral foundation na aketch. chos! Pero wag magkarakaraka coz I’m still in the right path baby, I was born this way… MAG BLOG! Charot! haha! Deins ko pa rin pababayaan ang blog ko kahit magkakamatayan na kami sa mundo ng medisina. char!

I just wanna share you my 2013 summer experience. Kahit hindi gaanong ka enjoy because of my 1-month summer class, bet na bet pa rin ang summer ko. Sa totoo lang, deins ko alam where magstart sa aking chika! haha! choz. okay, start tayo sa summer school…

My summer school experience was fun. Actually, 1 month lang siya.. It started from April 10 til May 18. Even though I was facing very thick books at that time (mas makapal pa sa funda ko haha!), enjoy din naman. My family was actually having a vacation/island hopping without me, pero di ko yun iniinggitan. Ganda lang nila! haha! Beach outing din kaya ako with friends 🙂 you know, pampawala ng stress na achieved-achieved ko sa kagagawa ng thesis paper ko. Alam naman natin na ayokong ma disbeauty haha! Paano na yung brain pag walang beauty? CHOZ! Basta, yun na yun.. My best summer school ganapan was the oral defense, kahit bombard ng bombard ng questions ang panel sa akin, para lang akong nag yoga! haha!! Pagkatapos ng ganapan, umuwi na ako sa bahay. Take note, I’m not living in the same place I’m having my education. Malayo pa sa Peru yung sa amin! haha!

After that, umuwi na ako. haha! had a family reunion sa balur with maraming lafur! I actually stayed for 3 weeks lang sa amin kasi balik-aral foundation after that. nakakasad. 😦 Had my grandma and grandpa’s death anniversary last weekend. It’s so good talaga when you’re with your family while habhaban ng lafur. Complete na yung summer 2013 ko. Family  reunion, sleepover, business meetings, then chikahan, blog, chikahan na naman, notches, chikahan, notches. CHOS! Miss ko lang talaga boyfriend ko. haha!

Actually, I’m back na dito sa university namin. American life na naman ako 😦 balik-aral, balik-sulat, balik-make up (CHOZ!), balik-boys, balik-notches (HOY!), balik-tulog sa klase, balik-chikahan! haha!

Will update you more about my current academic ganapan mga teh! Balik-aral kasi si doctora! haha! Pramis!

Xoxo,

  B

HIV Replication Lecture: In a Becky way!!

At dahil karamihan sa mga biktima ng HIV ay ang mga becklings, I am willing to educate them about HIV in a becky way as laboratory/pre-pathology med student, myself. CHICA! Gusto ko din mag avail ng becky language in teaching science para hindi monotonous ang peg. BONGGA! Try ko din kaya mag-avail nito in teaching mathematics! haha!!

try natin ang tagalog in teaching math:

ang ekis ay katumbas sa negatibong ‘ba’ dagdag o kaltas sa parisukat ugat ng pinarisukatan na ‘ba’ na kinaltasan ng apat na ‘a’ at ‘ca’ sa ibabaw ng dalawa at ‘a’

HAHAHA!! KALOKA! Guess anong formula yan. haha!

Far out na tayo, let’s continue!

Ang HIV replication ay isang hagdan-hagdang palayan. Maraming steps! Kaya peg natin dito is to learn each step.

Step 1: Fusion of HIV Cell to the Host Cell.

Just like the sperm and egg cell na mag unite or you know na, ganito din ang peg ng HIV virus. Fuse siya sa host cell ng ating body na specifically yung T-Lymphocyte natin. May receptors ang HIV na tinatawag na GP120 na peg nyang mag bind sa receptors ng T-lymphocyte na tinatawag na CD4+. At dahil dyan, bind na cla.

Step 2: HIV enters the host cell at maghagsik ng lagim!

Nagmukha na ngang alien tong HIV na to, confident pang maghagsik ng lagim! Totoo yan, as the viral particle and host cell binds, the viral particle enters the host cell at maghahagsik ng lagim.  Ang pinaka mastermind nyang ibubuga ay ang RNA. Dito din siya magre-release ng 3 replication essential enzymes for the HIV to replicate. Ito ay ang mga PROTEASE, INTEGRASE, and REVERSE TRANSCRIPTASE. Hindi lang ang mga yan, release din sila ng other viral proteins.

Step 3: Viral DNA is formed by reverse transcription. TAKE NOTE, DNA!!

Nakakaloka kaya yan! Take note, HIV’s building block is RNA, hindi DNA pero may kapangyarihan siyang mag change into DNA! Tarush! Magic kariton kaya gamit nito?! Choz! Kaya nyang mag change ng building block because of the REVERSE TRANSCRIPTASE enzyme. Siya lang ang may kayang mag change ng RNA to DNA. 

Step 4: Viral DNA is transported across the nucleus and integrates into the host DNA. 

Nakakaloka ang part na ‘to! Pramis! Gumanda na nga ang viral particle dahil transform na siya into DNA, confident pang mag travel across the nucleus! Ganda nya lang!! Peg kasi niya dito is mangengechos sa host DNA. pakialamera talaga! Dito na yung process na mag integrates siya into the T-lymphocyte’s DNA through INTEGRASE. Sumasanib na siya sa ating DNA para maging evil at mag command to make more HIV minions!

Step 5: New viral RNA is used as genomic RNA and to make viral proteins!

At dahil evil na yung DNA ng T-lymphocyte natin, may kapangyarihan itong mag command to synthesize RNA particles! Gamit ito to make more viral proteins. Kakainis!!

Step 6: New viral RNA and proteins move to cell surface and a new, mature, HIV forms.

Kita nyo na?! Lilipad na ang mga demonyong to sa ibabaw ng T-lymphocyte cell para makalabas. The new viral RNA and other viral proteins ay ang core materials for replication so kailangan nila ng covering or envelope. Chica! Trench coat peg din nito, ha! Steal sila ng covering from the cell surface ng T-lymphocyte dahil di nila afford (choz!) at lalabas na from their sinisiraan!

Step 7: The virus matures by PROTEASE releasing individual HIV proteins. 

Yun nga, magtatanda din si lola pero mas nakakaloka dahil maging mas malakas siya. After that, trip to Jerusalem na cya to infect other T-lymphocyte cell. Ito yung dahil kung bakit paunti-unti ang CD4+ count ng HIV positive patient. Echosera talaga tong alien to.

HIV

Scary di ba? Kaya if di nyo mapigilan mga shonty at alindog nyo, gamit kayo ng condom! This is for your own protection.

Ang hirap mag becky language! haha!! To learn more about protective sex and how to get yourself protected from HIV, watch nyo tong video na to. Believe me, avail nyo na to kasi gandang lalaki ang magtuturo sa inyo kung paano. Boyfriend ko. CHOZ!!!! HAHA!

http://www.youtube.com/watch?v=-Xak0Q_IY5E

Follow nyo na din ang LoveYourself on Twitter: @LoveYourself_VA

KNOW YOUR STATUS. GET TESTED! WAG KA NANG PATUMPIK-TUMPIK PA! BOOM KARAKARAKA!!

Always,

   B

Sneek Peak: My Personal Things na carry ko Everyday!

Dahil mga echosera kayo at gustong gusto nyo knows ano ang dala ko araw-araw (choz!), I’m going to share you mga nilalaman ng magic kariton ko! haha!! Mga essentials lang ‘to na gamit ko wherever I go.

1. Calvin Klein Messenger Bag

Carry ko talaga to everywhere I go. HIndi ako messenger pero peg ko nga lang to! haha! Hindi naman ako nag Lo-Louis Vuitton papunta farm. sosyal lang! Ito nga, simple lang pero elegant. Love this bag so much!

Image

2. Perfume!

Kailangan fresh na fresh tayo wherever we go so carry ko din ‘to! I’m using Chanel No. 5. love ko talaga to! botilya pa lang, paandar na!

Image

3. Pamplakado ng mukha! choz!!

Alam naman natin na push talaga ako when it comes to pagandahan. CHAROT! Sabi nga ni mother Divine Lee na ‘paganda-paganda din PAG MAY TIME!’ CHICA! ito nga lang bitbit ko araw-araw. di na kailangan ng make-up kit. ganda mo lang. haha!!Image

4. Wallet!

Subukan mo kayang maglakwacha without money. ang saya diba? choz! Deins talaga ako mabubuhay if no wallet! Fave ko talaga ‘tong Ferragamo wallet na I’ve been using since I was high school. Paandar kasi eh.

Image

5. Selected Cards

At times, tamad talaga ako mag withdraw! haha!! hoy mali inisip mo walang hiya ka! haha!! choz! Dala ko palagi ko yung Cash card ko and some discount cards, you know na mahirap ang buhay natin ngayon. NO credit card! ayoko ng utang! haha!! Kita nyo na din ano tunay pangalan ko bukod sa aking mala-anghel na Nickname! charot!

Image

6. Cellphone!

Ayon sa biology, ‘CELL is the building block of life.’ Choz!! haha! Pero para sa akin, yan ang motto ko for cellphones dahil hindi ako makahinga without them. My fave na bitbit ko is my iPhone 4S. Kasalanan nyo ba na hindi iPhone 5 ang starring?! ganda nyo! haha!!

Image

Yan nga lang yung mga dala ko everyday. Hindi ako kasing ganda ni mama JInkee Pacquiao na Louis Vuitton, Hermes atbp pang paandar na designer bag ang bitbit kahit maleta! haha!!

Xoxo,

  B

Things to do after a break-up ;)

Greetings fierces! Lemme guess, check nyo to kasi break-up kayo noh? Chica! Wag ka nang pa tumpik-tumpik pa, aminin mo na! BOMKARAKARAKA! choz. 

Okay time for me to get serious guys. I’m posting this because a super close friend of mine just had a break-up. A MAJOR BREAK-UP! Kala nyo kayo lang ang may ganon ha. ganda nyo lang haha! I just want to give her some taste of my pieces of advice on how to live a happy life even kumikilat na ang part of her world. chos.

Ito na mga advice ko for you gurl! PUSH!

1. SHOP! This old-fashion remedy never fails us. They say that eating is the best remedy    after a break up but usually fails a lot of women. talking about carbs issue. Why don’t you just shop? Visit Barney’s New York or Tiffany & Co. Pero if gusto mo mura lang, eh wag mo nang pilitin sarili mo magpunta ng NY! chika ka! haha! Pero say ko, bili ka ng diamonds! Diamonds are forever + they are girl’s bestfriend!

2. Raid your closet! Believe me, if avail nyo to masisiyahan kayo! Just to admit, I usually do this especially if I’m heartbroken. For short, more fashionable ako if heartbroken. tarush ko lang! haha! Try mo kaya i-raid yung closet mo at ipalabas mo ang Chanel, Louis Vuitton, Hermes, Balenciaga, Christian Louboutin mo and feel their power na you can still dominate the human race kahit heartbroken ka. charot! avail nyo na! PUSH!

3. Get rid of those pimples! Stress can lead to pimples. I know you don’t want those little bastards on your face. Wag kang umasa sa concealer! May story ako about my fave facial wash na bumobogsh talaga ng pimples. Click mo lang ang ‘Beauty’ category sa itaas and make hanap sa aking Garnier. avail mo na din! effective!

4. Give yourself a break. Don’t you think that loving someone that doesn’t love you back anymore or making you paasa lang is masakit? Gurl, we all know na it’s really hard to move on especially if you still love him but let’s admit it, nahihirapan ka na. Wiz out mo na ang pagka-Christine Reyes mo jan. ganda mo lang! chos. Pero you should consider yourself too. 

5. Make yourself busy. Yes, you just read that! Just make yourself busy in order for you to forget him kahit slight lang. Join some activities or advocacies. If you’re a socialite, do some charities. If shopaholic ka, shop ’til you drop, na talagang mahuhulog ka sa escalator ng mall! chos. If nakatapos ka na sa pag-aaral, hala! balik-aral ka! haha!! echos lang. 

6. Go out with your friends. They are those people who cares you kahit shunga ka. charot! You know those pals that never leave you out of the blue. 😉

 

Wag ka nang pa sad jan mars! smile ka lang and avail mo ang advice ko! laabyooo!

Always,

   B